dzme1530.ph

Batas na magre-regulate sa paluwagan inihain sa Kongreso

Isinusulong ng mga kinatawan ng partylist na sina Virgilio Lacson ng Manila Teachers at Rodante Marcoleta ng SAGIP na i-regulate na ang sistema ng paluwagan sa bansa.

Ito anila ay dahil nakabatay lamang ang sistema ng paluwagan sa tiwala at madaling anilang makapandaya ang mga humahawak ng pera.

Nakasaad sa panukalang House Bill 7757, na bubuo ng Paluwagan Microfinance Administration sa gobyerno para magbigay proteksyon sa mga miyembro ng paluwagan.

Dapat lang na magpa-member ang grupo ng paluwagan na hindi bababa sa pitong indibidwal at iimbestigahan muna ng gobyerno kung ang paluwagan ay naaayon sa mga probisyon ng inihaing batas.

Suportado naman ito ng Chamber of Commerce of the Philippine Islands. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author