dzme1530.ph

Baron Geisler, nangakong hindi na “magkakalat” sa formal party

Matapos ma-ban ng 14 years, nangako ang aktor na si Baron Geisler na hindi siya “magkakalat” matapos imbitahan na dumalo sa ABS-CBN Ball, na gaganapin sa Sept. 30.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, sinabi ni Baron na siya ay “humbled and grateful” na tanggapin siyang muli sa event, na mahigit isang dekada niyang hindi nadaluhan dahil sa kanyang bad behavior.

Sa hiwalay na post sa X (dating twitter), tiniyak ng aktor na magiging “sober” o magtitino siya sa ball, dahil nais niyang bumawi sa labing apat na taon na na-ban siya sa naturang pagtitipon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author