dzme1530.ph

BARMM, nagluluksa sa pagpanaw ng Grand Mufti

Nagluluksa ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pagpanaw ni Grand Mufti Abuhuraira Udasan, isang respetado at religious leader at preacher sa rehiyon.

Binawian ng buhay ang Grand Mufti sa kanyang bahay sa Cotabato City sa edad na 81.

Ang Grand Mufti ay nagsisilbing lider ng Office of Bangsamoro Darul Ifta na madalas humahawak sa pag-iisyu ng fatwas o religious sermons.

Nagbibigay din ito ng legal opinion sa mga usapin na kinapapalooban ng Muslim Personal Law at Jurisprudence. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author