dzme1530.ph

Barkong Pandigma ng Pilipinas, binuntutan ng apat na Chinese vessels sa West Philippine Sea

Dalawang Chinese Coast Guard Vessels at Dalawang Chinese Maritime vessels ang bumuntot sa Philippine Warship malapit sa Mischief Reef sa West Philippine Sea ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo na binantayan at sinundan ng Chinese Vessels ang BRP Andres Bonifacio habang nagsasagawa ito ng patrol and search mission sa loob ng 200 nautical mile exclusive zone ng Pilipinas.

Inihayag ni Balilo na tinangka pang harangin ng Chinese Maritime Militia Fishing Vessels ang barkong pandigma ng Philippine Navy.

Sa kabila ng desisyon ng International Arbitral Tribunal noong 2016 na nagbasura sa “9-dash line” ng China sa South China Sea at sa kawalan nito ng karapatan sa pinag-aagawang teritoryo, patuloy pa rin ang pagbuntot, pagharang, at pananakot ng Chinese ships sa fishing vessels ng Pilipinas.

About The Author