Nanawagan si PNP chief Police Gen. Rodolfo Azurin kina dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at kaniyang dating Deputy Officer na si Ricardo Zulueta na sumuko na matapos maglabas ng mga arrest warrant ang korte laban sa kanila.
Matapos na ikonsidera sila ng ng PNP na mga “pugante”, ayon kay Azurin wala pang impormasyon na nakararating sa kaniya kung nais nina Bantag at Zulueta na sumuko.
Kaugnay sa pagkonsidera kina Bantag at Zulueta bilang pugante, ipinaliwanag ni Azurin na kapag ang isang tao ay may warrant of arrest at hindi sumuko, ito ay maituturing na pugante.
Una dito, pinuntahan ng mga awtoridad ang address na nakalagay sa warrant of arrest ng dalawa subalit wala ang mga ito.