dzme1530.ph

Balasahan ng matataas na opisyal sa PNP, ipinatupad!

Epektibo ngayong araw ang rigodon sa matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y sa kabila ng pahayag ni PNP Chief Police Gen. Rommel Marbil na walang mangyayaring balasahan sa kanilang hanay.

Batay sa kautusan, itinalaga ni Marbil si Police Major General Romeo Caramat Jr. bilang Acting Commander ng Area Police Command -Northern Luzon.

Kapalit naman ni Caramat si Police Major General Leo Francisco bilang Director ng Criminal Investigation and Detention Group.

Hinirang naman na Acting Director for Investigation and Detective Management si Police Brigadier General Matthew Perlas Baccay.

About The Author