Maglunsad ng Nationwide Immunization Drive laban sa African Swine Fever!
Ito ang hiniling ni 2nd District Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay’’ villafuerte sa Bureau of Animal Industry (BAI).
Ayon kay Villafuerte, isang matinding delubyo ang posibleng maganap sakaling hindi maagapan ang pagkalat ng ASF virus, dahil kaya aniyang mapataas ng naturang sakit ang inflation sa bansa.
Iginiit din ng Kongresista na mayroong epektibong veterinary drug kontra ASF ang bansang Vietnam na dapat subukan ng Pilipinas, na makatutulong aniya sa pagsasagip ng hog raisers sa mga alaga nitong baboy. Gayundin, upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng karne.
Matatandang sinabi ni D.A Asec. at spokesman Rex Estoperez na nagbabala ang National Livestock Program (NLP) hinggil sa posibleng 46,000 metric tons shortage o kakulangan ng baboy sa Hunyo.