dzme1530.ph

Bakit kailangang gumamit ng moisturizer sa balat? Alamin!

Ang Moisturizer ay nagsisilbi bilang protective barrier ng ating balat para mapanatili itong hydrated at healthy.

Kabilang sa good skin-care regimen ay ang pag-a-apply ng moisturizer at sun protection araw-araw para labanan ang free radicals at itaboy ang Ultraviolet (UV) rays mula sa araw.

Ayon sa American Academy of Dermatology, mas mainam na i-moisturize ang balat pagkatapos maligo.

Bukod na araw-araw na pagpapahid ng moisturizer, inirerekomenda rin ng mga eksperto na samahan na ito ng good diet at umiwas sa stress para ma-achieve ang glowing skin.

Mahalaga ring malaman ang skin type para sa mas akmang moisturizer na ipapahid sa balat. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author