Nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Severe Tropical Storm Hanna, alas-9 kagabi.
Ayon sa PAGASA Weather Bureau, huling namataan ang bagyo sa layong 1,215 kilometers silangan ng Extreme Northern Luzon.
Kumikilos ang bagyong Hanna patungong kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour na may lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour at pagbugsong aabot naman sa 115 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, inaasahan anilang patuloy na palalakasin ng bagyo ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat na magdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, at kanlurang bahagi ng Visayas.
Sa ngayon, pinakanaapektuhan ng Habagat ang Zambales, Bataan at Occidental Mindoro.
Samantala, ang Trough o extension ni Super Typhoon Goring, na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility, ang magdadala pa rin ng malakas na hangin at mga pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Babuyan Islands, Ilocos Norte at Apayao.