Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Falcon, alas-11 kagabi.
Alas-4 naman ng madaling araw kanina, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1, 360 km silangan ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km/h na kumikilos West-Northwest sa bilis na 15 km/h.
Ayon sa PAGASA, inaasahang mananatili sa PAR ang bagyo sa loob ng tatlong araw.
Ito na ang ika-6 na bagyong pumasok sa bansa ngayong taon, at ikatlong bagyo sa buwan ng Hulyo.