dzme1530.ph

Bagyong Falcon, napanatili ang lakas habang kumikilos pa hilaga hilagang-kanluran ng Extreme Northern Luzon

Napanatili ng bagyong Falcon ang lakas nito habang kumikilos pa hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Sa pinakahuling datos ng PAGASA kaninang alas-11 ng umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 1, 045 kilometro sa silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay pa rin ng bagyong Falcon ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometro kada oras.

Sa ngayon, wala pang lugar ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal, at inaasahan na lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas ng hapon o gabi. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author