Patuloy na lumalakas ang bagyong Falcon habang nasa karagatan ng Pilipinas at huling namataan sa layong 1,070 kilometers silangang ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyong Falcon pa-hilaga-hilagang-kanluran, sa bilis na 15 kilometers per hour.
Inaasahan pa ring magiging maulan sa Metro Manila, Zambales at Bataan dahil pa rin sa habagat na pinalalakas ng bagyo.
Ayon sa PAGASA, posibleng lumabas na ng teritoryo ng Pilipinas ang bagyo bukas ng umaga o hapon.