Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Tropical Depression Bising na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa State weather bureau, as of 10am, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 270 kilometers, kanlurang bahagi ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km/h.
Dahil sa bagyo, asahan na ang maulang maghapon, maulap na kalangitan, at pabugso-bugsong hangin sa malaking bahagi ng Northern Luzon partikular sa kanlurang bahagi ng Ilocos Norte at Babuyan Islands.
Apektado rin ng Tropical Depression Bising ang mga lugar ng Apayao, Kalinga, Abra, Batanes, at Mainland Cagayan.
Samantala, inaasahan namang magdala ng maulap na panahon na may panaka-nakang pag-ulan at pagkidlat sa nalalabing bahagi ng bansa ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat.