dzme1530.ph

Bagyong #BettyPH, nag-iwan ng kalahating milyong pisong halaga ng pinsala sa agrikultura sa Batanes

Mahigit kalahating milyong pisong halaga ng pinsala sa agrikultura ang iniwan ng bagyong Betty sa Batanes.

As of June 1, umabot na sa P587,460 ang nalugi sa agriculture production sa lalawigan na lubhang sinalanta ng bagyo.

Namahagi na ang Batanes government ng libreng mga binhi at food packs sa mga naapektuhang mga magsasaka at kanilang mga pamilya.

Nagbigay din ang mga lokal na opisyal ng temporary employment para sa mga apektadong mangingisda.

About The Author