Apektado ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 2 ang Southeastern portion ng Isabela; hilagang bahagi ng Aurora at Polilo Island.
Itinaas naman ang signal no. 1 sa Northeastern at Southern portion ng Isabela; silangang bahagi ng Quirino at Nueva Vizcaya; nalalabing bahagi ng Aurora; silangang bahagi ng Nueva Ecija at Bulacan; buong lalawigan ng Rizal; hilagang silangang bahagi ng Laguna; Northern at central portion ng Quezon; western portion ng Quezon at Camarines Norte kabilang ang Calaguas Island.
Sa panayam ng DZME 1530-ang radyo uno kay Obet Badrina, weather specialist ng PAGASA, sinabi nitong patuloy pa rin nilang minomonitor ang sitwasyon ng bagyong Aghon na inaasahang lalabas ng bansa sa Miyerkules, at ang mga posibleng sama ng panahong sumunod dito.
Inaasahan din aniya ng ahensiya ang hanggang sampu pang bagyo na papasok sa bansa ngayong taon.