dzme1530.ph

Baguio City, gagamit ng AI sa pangangasiwa ng trapiko at paglaban sa mga kriminal

Plano ng Baguio City na gumamit ng Artificial Intelligence (AI) sa pangangasiwa ng trapiko at maiwasan ang mga krimen.

Nakahandang gumastos ang lokal na pamahalaan ng P3-B para sa AI Traffic Management System upang gumaan ang daloy ng mga sasakyan sa sikat na tourist destination sa bansa.

Sa halip na timer, babasahin ng AI ang traffic volume upang matukoy kung dapat nang buksan ang green light.

Ang mga lalabag ay padadalhan ng traffic violation sa bahay.

Mayroon ding facial recognition software ang system na makatutulong sa mga pulis para matukoy ang mga kriminal. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author