Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang inagurasyon ng Poblacion Water Treatment Plant sa Muntinlupa City.
Sa seremonya sa Brgy. Poblacion ngayong Biyernes ng umaga, pinasinayaan ang bagong water treatment plant ng Maynilad na may kakayanang makapagbigay ng hanggang 150 milyong litro ng tubig kada araw.
Ginastusan ito ng P11 billion, at inaasahang pakikinabangan ito ng nasa isang milyong customers sa Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Cavite.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos na ang proyekto ay bahagi ng paghahanda para sa pinaka-matinding bugso ng El Niño o tagtuyot sa susunod na taon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News