dzme1530.ph

Bagong MIAA GM welcome sa DOTr family

Welcome kay DOTr Secretary Jaime Bautista ang pagkakatalaga kay Eric Jose Castro Ines bilang bagong Acting MIAA General Manager ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ayon kay Bautista qualified si Ines sa position bilang General Manager ng paliparan dahil sa Airlines experience nito sa airport operation at kaya nitong pamahalaan ang pagpapatakbo  sa NAIA.

Kinumpirma naman ng kalihim na nagkakausap na sila ni Ines kung saan nakatakda naman manumpa sa kanya sa Miyerkules o Huwebes sa susunod na linggo.

Ito ang pahayag ni Bautista kasabay ng isinagawa nitong inspection sa NAIA terminal 3.

Matatandaang Disyembre 15, 2023 ng pirmahan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin ang appointment letter ni Eric Jose Castro Ines bilang Acting General Manager ng MIAA. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author