dzme1530.ph

Bagong litrato nina Liza Soberano at Enrique Gil na magkasama, lumutang sa gitna ng tsismis na hiwalay na sila

Isang araw matapos ibunyag ng talent manager na si Ogie Diaz ang kumpirmasyon ng insiders sa hiwalayang Liza Soberano at Enrique Gil, naispatang magkasama ang dalawa sa isang litrato na ibinahagi ng dating road manager ng aktres.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, ipinost ni Maquie Raquiza Sarmiento na ngayon ay naka-base na sa US, ang pagbisita niya sa Pilipinas kamakailan.

Isa sa mga larawan na kanyang ipinost ay magkakasama sila nina Liza at Enrique, kung saan magkatabing nakaupo ang dalawa.

Hindi pa malinaw ang eksaktong petsa kung kailan kinunan ang litrato, subalit lumalabas na nagbalik-bayan si Sarmiento nitong nakaraang Mayo.

Gayunpaman, nakatanggap pa rin si Sarmiento ng mga mensahe ng pasasalamat mula sa hopeful fans na natuwa nang makita nilang magkasama ang “LizQuen” sa litrato.

About The Author