dzme1530.ph

Bagong kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura, nakakuha ng suporta!

Agad winelcome ng AGRI Partylist ang appointment ni Francisco Tiu Laurel bilang bagong kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura.

Umaasa si AGRI Cong. Wilbert Lee na maipatutupad ni Laurel ang programa at proyekto na sinimulan ni Pang. Bongbong Marcos para sa ikaunlad ng sektor ng agrikultura.

Ayon sa mambabatas, naniniwala siya na sa nakalipas na isang taon, may magagandang hakbang na ang administrasyon upang maibigay ang kailangang suporta sa mga magsasaka.

Aminado si Lee na mabigat ang hamon na kinakaharap ng sektor na ito, subalit naniniwala rin sya sa kakayahan ni Laurel bilang “personal choice” ni PBBM sa posisyon.

Bilang kinatawan ng magsasaka sa Kongreso, handa naman si Lee na makipagtulungan sa bagong kalihim para isulong ang kapakanan ng mga magsasaka na deka-dekada nang napapabayaan ng pamahalaan. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author