dzme1530.ph

Bagong DND Sec. Gibo Teodoro at DOH Sec. Ted Herbosa, nag-oath taking na sa harap ng Pangulo

Nanumpa na sa pwesto ang bagong itinalagang kalihim ng Dep’t of National Defense na si Gilberto “Gibo” Teodoro Jr., at bagong Dep’t of Health sec. na si Dr. Ted Herbosa.

Pinangunahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang oath taking ng dalawang bagong miyembro ng gabinete, ngayong Martes ng umaga sa Palasyo ng Malacañang.

Matatandaang si Teodoro ay natalo sa pagka-Senador noong 2022 Elections, at inappoint siya ng Pangulo halos isang buwan matapos magwakas ang 1-year appointment ban.

Si Teodoro ay dati nang naging DND sec. sa panahon ni former president Gloria Macapagal-Arroyo.

Samantala, si Herbosa naman ay dati nang naging Undersecretary ng DOH, at dati rin siyang naging Special Adviser ng National Task Force on COVID-19. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author