Welcome sa National Economic Development Authority (NEDA) ang bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutugon sa unemployment sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na suportado nila ang Trabaho Para sa Bayan Act, na layuning solusyunan ang unemployment, underemployment, youth unemployment, informality sa work arrangements, at reintegration o pagbabalik-bansa ng overseas filipino workers.
Makatutulong din aniya ang batas sa Philippine Development Plan 2023-2028 ng Administrasyong Marcos, na layong mapataas ang employability ng mga Pilipino.
Samantala, pamumunuan ng NEDA ang trabaho para sa Bayan Inter-Agency Council at makakasama nito ang iba pang mga kinaukulang ahensya ng gobyerno. —sa panulat ni Airiam Sancho