dzme1530.ph

Backlog sa mga plaka ng motorsiklo, natapos na ng DOTr

Loading

“Finally, na-wipe out na natin ang backlogs sa motorcycle plates!”

Ito ang inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon ngayong araw kaugnay ng higit isang dekadang backlog sa mga plaka ng motorsiklo sa bansa.

Sa isang press conference, sinabi ni Dizon na umabot sa halos 12 milyon ang backlog mula pa noong 2014.

Ngayong taon, natapos na ng DOTr, at Land Transportation Office (LTO) ang paggawa ng kabuuang 5,445,720 motorcycle plates.

Pinakamarami sa mga backlog ay mula Luzon na may kabuuang 2,343,191.

Dagdag pa ni Dizon, nagsimula na rin ang paghahatid ng mga natapos na plaka sa iba’t ibang LTO district offices upang maipamahagi na sa mga motorista sa mga susunod na buwan.

About The Author