dzme1530.ph

Azkals, makakasagupa ang Nepal sa friendly game, mamayang gabi

Sisikapin ng Philippine Men’s Football Team na maipanalo ang FIFA International Friendly Match laban sa Nepal, mamayang gabi, sa Rizal Memorial Stadium, sa Maynila.

Sa huling friendly matches na sinalihan ng Azkals noong Marso ay parehong talo ang resulta ng kanilang laro laban sa Kuwait sa score na 2-0 at, Jordan sa score na 4-0.

Sinabi ng nagbabalik na coach ng Azkals na si Michael Weiss na maiksi lamang ang kanilang preparasyon at ilang players din ang umatras dahil sa injuries.

Kabilang sa mga hindi makapaglalaro mamaya ay sina Manny Ott, Amani Aguinaldo, at Santi Rublico.

Nito lamang June 6 nang italaga muli si Weiss bilang head coach ng Azkals, makalipas ang halos 10 taon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author