dzme1530.ph

Azkals, bigo sa ikalawang friendly match laban sa Chinese Taipei

Bigo ang Philippine National Men’s Football Team na padapain ang Chinese Taipei sa kanilang second international friendly match, sa gitna ng maulang field sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila, kagabi.

Nagtapos ang laro, pabor sa bumibisitang koponan, sa score na 3-2.

Unang nanalo ang Azkals laban sa Nepal noong Huwebes sa score na 1-0, sa first game ni Michael Weiss bilang nagbabalik na head coach ng Philippine National Men’s Football Team makalipas ang halos isang dekada. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author