dzme1530.ph

Ayuda, serbisyo ng DSWD hindi nagagamit sa PI

Tiniyak ng Dep’t of Social Welfare and Development na hindi nagagamit ang kanilang mga ayuda at serbisyo, sa isinusulong na People’s Initiative para sa Charter change.

Ito ay sa harap ng alegasyong pag-aalok ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa mga indibidwal kapalit ng pag-pirma sa PI.

Ayon kay DSWD Spokesman Assistant Sec. Romel Lopez, walang salapi ng DSWD o anumang salapi ng taumbayan ang magagamit sa PI.

Iginiit pa ni Lopez na dalawang beses na silang humarap sa pagdinig ng Senado, at walang natukoy na sinumang opisya ng DSWD na dawit sa umanoy ayuda scam.

Binigyan-diin ng ahensya na ang AICS ay isang mekanismong inilaan sa pagbibigay ng suporta sa medikal, transportasyon, burial, at iba pang pangangailnagan para sa mga taong nahaharap sa krisis. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author