dzme1530.ph

Ayala Corporation, binebenta ang bahagi ng kanilang share sa Manila Water

Inanunsyo ng Ayala Corporation (AC) na ipinagbibili nila ang bahagi ng kanilang investments sa Manila Water Company sa halagang P5.7 billion.

Sinabi ng AC sa Philippine Stock Exchange, na kasama ang kanilang subsidiary na Philwater Holdings Company, Inc., binibenta nila ang 288,998,734 common shares at 436,243,932 participating preferred shares sa isang buyback transaction.

Pagkatapos ng deal, mananatili sa AC ang 23.5% voting stake at 22.5 economic stake sa water concessionaire.

Ang core net income ng Ayala Corporation sa unang anim na buwan ng 2023 ay umakyat sa 55% o sa P20.5 billion. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author