dzme1530.ph

Awra Briguela, sinampahan ng karagdagang kaso kaugnay ng kinasangkutang gulo sa bar sa Makati noong Hunyo

Tatlo pang kaso ang isinampa laban kay Awra Briguela ng complainant na si Mark Christian Ravana kasunod ng kinasangkutan nilang gulo sa labas ng isang bar sa Makati noong Hunyo.

Kinasuhan ni Ravana sa Makati Prosecutor’s Office si Awra na ang tunay na pangalan ay McNeal Briguela ng Light Threats, Grave Coercion at paglabag sa Safe Spaces Act o  “Bawal Bastos” Law.

Sinabi rin ng complainant na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagre-reach out sa kanila si Awra.

Una nang kinasuhan ang komedyante ng Physical Injuries, Alarm and Scandal, Disobedience to Authority and Direct Assault.

June 29 nang arestuhin at ikulong ng Makati Police si Awra makaraang makipagsuntukan sa grupo ni Ravana sa labas ng Bolt Hole Bar sa Poblacion, Makati at nakalaya ito noong July 1 makaraang mag-piyansa ng P6,000. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author