dzme1530.ph

Author name: Joana Luna

Joana Luna is a Social Media and News writer at DZME 1530 Radyo Uno.

Publiko, hinimok na tutulan ang pekeng People’s Initiative para sa Cha-cha

Loading

Hinimok ni Sen. Grace Poe ang publiko na tutulan ang isinusulong na pekeng People’s Initiative para sa pagbabago ng konstitusyon. Iginiit ni Poe na isa lang ang solusyon upang matigil ang bangayan sa pulitika at ito ay ang itigil ang pekeng initiative dahil sa Senado anya ay handa silang magtrabaho at magpokus sa mga panukala […]

Publiko, hinimok na tutulan ang pekeng People’s Initiative para sa Cha-cha Read More »

Speaker Romualdez, idiniin pa sa pangunguna sa People’s Initiative

Loading

Hindi na dapat magkaila si House Speaker Martin Romualdez sa pangunguna sa pangangalap ng lagda para sa People’s Initiative na nagsusulong ng Charter change. Ito ang binigyang-diin ni Sen. Francis Chiz Escudero kasabay ng kumpirmasyon na mayroon siyang video footage kung saan inaanunsyo ni Romualdez ang pagsusulong ng PI para sa chacha. Sa video na

Speaker Romualdez, idiniin pa sa pangunguna sa People’s Initiative Read More »

Malakihang umento sa presyo ng petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo

Loading

Abiso sa mga motorista! Posibleng magkaroon ng big time oil price hike sa susunod na lingo. Ayon kay Department of Energy Director III Rodela Romero, maaaring tumaas ng P1.95 hanggang P2.10 ang kada litro ng gasolina na tinatayang pinaka malaking taas presyo na itatala mula magsimula ang taon. Habang ang diesel ay inaasahang tataas mula

Malakihang umento sa presyo ng petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo Read More »

Malacañang, tumangging ibahagi ang detalye kaugnay ng magkabukod na executive sessions ng Pangulo sa mga senador at kongresista

Loading

Tumanggi ang Malacañang na magbigay ng detalye kaugnay ng isinagawang magkabukod na executive session ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa mga senador at kongresista. Ito ay matapos ipagpaliban ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting, sa harap ng bangayan ng dalawang kapulungan ng kongreso hinggil sa Charter change. Ayon kay Presidential Communications Office sec.

Malacañang, tumangging ibahagi ang detalye kaugnay ng magkabukod na executive sessions ng Pangulo sa mga senador at kongresista Read More »

$247 million na “hot money”, lumabas sa bansa noong 2023

Loading

Naitala sa $247 million ang short-term foreign portfolio investments na lumabas sa Pilipinas noong 2023, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ang foreign portfolio investments na nirehistro sa BSP ay tinatawag ding “hot money” dahil sa mabilis na pagpasok at paglabas ng mga pondo sa merkado. Ayon sa Central bank, ang $247-million

$247 million na “hot money”, lumabas sa bansa noong 2023 Read More »

DFA, tiniyak ang buong suporta ng pamahalaan kay UN Special Rapporteur Irene Khan

Loading

Sa ngalan ng transparency at kooperasyon, tiniyak ng pamahalaan ang buong suporta para sa matagumpay na implementasyon ng mandato ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan na kasalukuyang nasa sa bansa. Layunin ng 10-araw na official visit ni Khan, na suriin ang kalagayan ng karapatan sa pagpapahayag ng opinyon at saloobin sa Pilipinas. Inihayag ng

DFA, tiniyak ang buong suporta ng pamahalaan kay UN Special Rapporteur Irene Khan Read More »

Lotto draw, dapat suspindihin muna

Loading

Kinatigan ni Senador Imee Marcos ang suhestyon ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na suspindihin muna ang lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office hangga’t nababalot ng kababalaghan ang kanilang proseso. Sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes, hinikayat ng mga senador ang Department of Information and Communications Technology na busisiin ang sistema ng PCSO lalo

Lotto draw, dapat suspindihin muna Read More »

Imbestigasyon sa sinasabing panunuhol sa PI, aarangkada na sa Senado

Loading

Tuloy na ang pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms kaugnay sa sinasabing suhulan kapalit ng pirma para sa People’s Initiative para sa Charter change. Ayon kay Committee chairperson Sen. Imee Marcos, sisimulan nila ang pagdinig sa Martes kung saan inimbitahan nila ang mga constitutionalist, mga NGO at maging ang mga posibleng mga testigo sa

Imbestigasyon sa sinasabing panunuhol sa PI, aarangkada na sa Senado Read More »