dzme1530.ph

August inflation, tinaya ng BSP sa 4.8 hanggang 5.6%

Posibleng maitala sa 4.8% hanggang 5.6% ang inflation nitong nakaraang buwan ng Agosto, sa gitna ng pagsirit ng presyo ng bigas at petrolyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sakaling mangyari, ang August inflation ay lalagpas sa 2-4% target band ng BSP para sa ika-17 sunod na buwan.

Mas mabilis din ito kumpara sa 4.7% na naitala noong Hulyo, at tutuldok sa anim na sunod na buwan na pagbagal ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Inaasahang ilalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang August Consumer Price Index (CPI) data sa Sept. 5. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author