![]()
KINUMPIRMA ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na pinayuhan niya si Atty. Levito Baligod at 18 dating sundalo na ayusin ang kanilang affidavit kaugnay sa sinasabing cash deliveries batay sa utos ni dating Cong. Zaldy Co.
Sinabi ni Lacson na kung magiging kapani-paniwala ang kanilang salaysay ay maaari nilang imbitahan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na kanyang pinamumunuan.
Binigyang-diin ni Lacson na posible naman talagang may deliveries ng pera subalit hindi dapat i-exaggerate o palalain.
Naniniwala rin si Lacson na hindi na interesado sa imbestigasyon ang 18 datinng sundalo dahil ang panawagan ay para na sa taumbayan at hindi sa Department of Justice o sa Ombudsman.
Muling iginiit ni Lacson na hindi niya ipinagtatanggol si Pangulong Ferdinand Marcos pero para siya sa kapayapaan na dapat ay naeenjoy ng taumbayan at hindi dapat maging magulo.
