Nangunguna pa rin ang Ateneo de Manila Univesity bilang top university sa Pilipinas.
Batay sa 2024 Times Higher Education World University rankings, pasok sa 1,000 hanggang 1,200 bracket ang Ateneo.
Sinundan ito ng University of the Philippines na nasa 1201 hanggang 1500 bracket, at De La Salle University at University of Santo Tomas na kapwa nasa 1,501+ bracket.
Nabatid na nahahati sa limang bahagi ang assessment ng mga unibersidad, kabilang dito ang teaching na may 29.5%, research environment na may 29%, research quality na may 30%, 7.5% naman para sa international outlook, at 5% sa industry.
Samantala, nananatili ang University of Oxford bilang top university sa buong mundo. —sa panulat ni Lea Soriano