Naka-freeze ang lahat ng assets ni Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Ginawa ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pag-freeze sa assets ni Teves makaraang tukuyin ito bilang terorista ng Anti-Terrorism Council.
Sinabi ni AMLC Legal Officer Luis Anthony Warren na ang freeze order ay batay sa Section 25 ng Anti-Terrorism Act in Relation to Section 36.
Si Teves, kasama ang 12 iba pa ay tinukoy bilang mga terorista bunsod ng umano’y mga pagpatay at harassment sa Negros Oriental.
Ang kongresista ang itinuturong “mastermind” sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong March 4, na ikinasawi rin ng 9 pang indibidwal. —sa panulat ni Lea Soriano