dzme1530.ph

Aspalto na ginamit sa pag-aayos ng mga kalsada sa EDSA, hindi substandard —DPWH

Nilinaw ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH) na hindi substandard ang aspalto na ginamit sa EDSA.

Kahapon, Aug. 4 nang simulan ng ahensya ang paglalagay ng aspalto at re-blocking sa 15 lugar sa EDSA, na tinawag na “One time, big time” road repairs.

Una nang nakatanggap ng kritisismo ang DPWH mula kay Sen. JV Ejercito kaugnay sa timing ng pagsasaayos ng mga kalsada sa nasabing lugar, na dapat aniya ay ginawa sakaling bumuti na ang panahon.

Binanggit din ng senador na dapat de-kalidad ang aspalto na gagamitin upang hindi paulit-ulit ang paglalagay nito sa mga kalsada.

Binigyang-diin naman ng kagawaran na maganda ang kalidad ng mga materyales na ginamit sa pag-aayos ng mga kalsada. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author