dzme1530.ph

ASEAN, dapat nang kumilos kaugnay ng geo-political issues —PBBM

Inihayag ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dapat nang kumilos ang Association of Southeast Nations sa geo-political issues na nakaka-apekto sa rehiyon.

Sa kanyang intervention sa ASEAN Leaders’ Interface sa High-Level Task Force on the ASEAN Community’s Post-2025 Vision sa Indonesia, sinabi ni Marcos na kasalukuyang nalalagay ang ASEAN sa geopolitical environment kabilang ang rivalries ng mga makapangyarihang bansa, climate change, technological disruptions, at iba pa.

Idinagdag pa nito na mismong ang ASEAN ay hindi ligtas sa sarili nitong mga pagsubok, sa harap ng pagkakaiba-iba ng bawat bansa.

Kaugnay dito, iginiit ng Pangulo na dapat ipakita ng ASEAN sa buong mundo na kaya nitong tumugon sa geopolitical at geo-economic challenges bilang nagkakaisang pwersa.

Kailangang ding palakasin ang ASEAN centrality, at aktibong ipatupad ang global order na nakabatay sa International Law.

Binigyang-diin pa ng chief executive na ang ASEAN ngayong araw ay dapat maging mas angat kaysa sa ASEAN ng kahapon, at upang magtagumpay ito ay kailangang maging kontrolado nito ang kanyang hinaharap. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author