dzme1530.ph

ASEAN countries, hinimok ng Pangulo na tugunan ang “Brain Drain”

Hinikayat ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga bansa sa Southeast Asia na tugunan ang “brain drain” o pangingibang-bansa ng health workers.

Sa pakikipagpulong sa Malacañang sa Temasek Foundation ng Singapore, inihayag ng Pangulo na bagamat ipinagmamalaki niya ang ginampanang tungkulin ng mga doktor at nurses noong kasagsagan ng pandemya, tayo rin mismo ang naging biktima ng kanilang tagumpay.

Kaugnay dito, iginiit ni Marcos na kailangang bigyan ng pantay na oportunidad ang medical workers sa sarili nilang bansa.

Siinabi ng chief executive na kung makakahanap ng solusyon ang Singapore ay magiging malaking tulong ito sa healthcare sector ng Southeast Asia.

Matatandaang una nang inatasan ng Pangulo ang Commission on Higher Education na aksyunan ang shortage ng nurses sa bansa bunga ng kanilang pangingibang-bayan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author