Tinalakay ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Australian Embassy sa Pilipinas sa kanilang pulong ang mga potensyal na cooperation efforts upang makakuha ng mas maraming investors at job opportunities sa Pilipinas.
Pinangunahan nina ARTA Sec. Ernesto Perez at Australian Ambassador Hae Kyong Yu sa ARTA Central Office ang naturang meeting kung saan nagpahayag ang magkabilang panig ng potential partnership sa pagtatatag ng One-Stop Shops para sa foreign companies na interesadong magtayo ng negosyo sa Pilipinas.
Target ng partnership na ito na mas mapahusay ang proseso ng pagsasanay at pagkuha ng mas maraming Pilipino para magtrabaho sa Australia partikular na sa health sector.
Pinag-usapan din ng Australian Embassy at ARTA ang pakikipagtulungan sa mga programang pang-ekonomiya at short courses na akma sa pangangailangan ng Philippine Regulatory System. —sa panulat ni Airiam Sancho