dzme1530.ph

Argentina, handang tumulong sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura ng bansa

Handa ang Argentina na tulungan ang Pilipinas sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura.

Ito ang tiniyak ni Argentinian Ambassador to the Philippines Ricardo Luis Bocalandro sa pakikipag-pulong nito kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr.

Sa pulong tinalakay ng dalawang bansa ang posibleng pagbebenta ng philippine mango sa Argentina at interes ng Pilipinas sa paggamit ng teknolohiyang mayroon ang nasabing bansa, na magpapaunlad sa produksyon ng bigas at mais.

Sa pinagtibay na kooperasyon ng dalawang bansa, inaasahang mapalalawak ang kalakalan, proyektong teknikal at mga programang agrikultural.

Ipinagpasalamat naman ng DA Chief ang suportang natanggap ng bansa sa Argentina.

About The Author