dzme1530.ph

Approval ng Court of Appeals, kailangan ng mga otoridad bago makapag-wiretap sa mga pinaghihinalaang terorista

Inobliga ng Supreme Court ang law enforcement agents at mga sundalo na kumuha muna ng written surveillance order mula sa Court of Appeals bago makapag-wiretap at mangolekta ng mga pribadong komunikasyon sa pagitan ng pinaghihinalaang mga terorista.

Ang probisyon sa wiretapping ay kabilang sa rules ng Anti-Terrorism Act of 2020 na inaprubahan ng Supreme Court sa pamamagitan ng En banc Resolution noong Dec. 5, 2023 at magiging epektibo sa Jan. 15, 2024.

Nakasaad sa rules ang mga proseso na kailangan sundin ng mga indibidwal o organisasyon na humihiling ng judicial relief mula sa pagturing sa kanila bilang terorista ng Anti-Terrorism Council at pag-iisyu ng freeze order ng Anti-Money Laundering Council. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author