Agad binati ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at sinabing “well-deserved” ang appointment ni Deputy Speaker Ralph Recto sa Department of Finance.
Ayon sa presidential cousin, ang malawak nitong kaalaman sa ekonomiya at legislation ay sapat para matulungan si PBBM na mapabuti ang kalagayan ng bansa.
Ayon kay Romualdez sa makulay na karera ni Recto sa public service mula sa pagiging Senador, Kongresista, Socioeconomic Planning Secretary at Director-General ng National Economic Development Authority ay batayan para sabihin na “most fit candidate” ito sa Department of Financre.
Naging bahagi umano ito sa pag-balangkas ng mga polisiya na akma sa pangangailangan ng taumbayan, habang ang dedikasyon at sound economic principles na ipinamalas nito ay naging daan para igalang ng kanyang mga naging kasama sa trabaho.
Dagdag pa ni Romualdez, sa pinapangarap nilang “economic resilience at prosperity,” ang appointment ni Recto ay patunay kung gaano kagagaling ang hinahanap ng Pangulo na makakatulong nito sa pagpapatakbo ng pamahalaan. —sa panulat ni Ed Sarto, DZME News