Binuhay ng Pilipinas ang apela na pagkalooban ng clemency ang Overseas Filipino Worker na si Mary Jane Veloso na nasa death row sa Indonesia bunsod ng Drug Trafficking.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, binanggit niya ang kaso ni Veloso sa kanyang Indonesian counterpart na si Retno Marsudi na nasa bansa para sa 7th Philippines-Indonesia Joint Commission on Bilateral Cooperation.
Inihayag naman ni DFA Spokesperson Teresita Gaza na patuloy na binibigyan ng pamahalaan ng legal, consular, at welfare assistance ang Pinay worker.
Inaresto si Veloso sa Yogyakarta noong April 2010 makaraang makuha sa kanyang pag-iingat ang 2.6 kilos ng heroin na itinago sa dala niyang bagahe na ipinadala ng kanyang recruiters.—sa panulat ni Lea Soriano