Ibinasura ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber ang apela ng gobyerno ng Pilipinas laban sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa kontrobersyal na War on Drugs.
Ito ang inanunsyo ni Presiding Judge Marc Perrin de Brichambaut sa Open Court hearing sa The Netherlands.
Sinabi ni Brichambaut na lahat ng grounds na inilatag ng pamahalaan ng Pilipinas sa apela noong Marso ay ibinasura ng mayorya ng Appeals Chamber.
Inihayag din ng Presiding Judge na ang isyu sa epekto ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC ay hindi maayos na nabanggit sa Pre-trial Chamber.
Bunsod nito, itinakda ng ICC ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa War on Drugs sa Enero ng susunod na taon. —sa panulat ni Lea Soriano