dzme1530.ph

Apela ng “It’s Showtime” sa ipinataw na 12-day suspension, ibinasura ng MTRCB

Ibinasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang motion for reconsideration na inihain ng production team ng ng “It’s Showtime,” matapos patawan ang noontime show ng 12-day suspension.

Inilabas ang ruling ilang oras makaraang lumabas sina GMA Senior vice president Annette Gozon-Valdes at ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes sa episode ng “It’s Showtime” kahapon, upang ipakita ang kanilang suporta sa show, sa kabila ng kinakaharap nitong legal battle.

Ang apela ay tugon sa ruling ng board na may petsang Aug. 17, 2023 hinggil sa July 25 episode ng live noontime program na nangyari sa “isip bata” segment ng show na kinasasangkutan nina Vice Ganda at Ion Perez, na hindi angkop sa mga bata.

Sinabi ng MTRCB na dahil sa pagbasura sa motion for reconsideration, ang kanilang desisyon sa 12-day suspension ng “It’s Showtime” ay final na. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author