Naghain na ng petisyon para sa dagdag-singil sa pasahe ang apat na transport groups sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Sa isang pahina na sulat na inihain ng LTOP, FEJODAP, Piston, at Stop and Go Movement sa LTFRB, P2.00 dagdag-pasahe ang hinihiling ng mga ito para sa unang apat na kilometrong biyahe.
Nabatid na ang inihihirit na fare increse ay dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. —sa panulat ni Airiam Sancho