dzme1530.ph

Ano ang jock itch at paano ito maiiwasan?

Ang jock itch o tinea cruris ay isang fungal infection na nagdudulot ng pamumula at makating rashes sa bahagi ng katawan na moist o laging basa dahil sa pawis.

Alam niyo ba na ang fungus na sanhi nito ay kahalintulad din sa athlete’s foot?

Ipinaliwanag na ang infection ay posibleng galing sa paa at kumakalat sa pamamagitan ng kamay at towel.

Kadalasan nagkakaroon ng rashes na hugis bilog ang taas ng hita o singit.

Malaki ang banta nito sa mga taong labis ang timbang, nagsusuot na masikip na underwear, sobrang magpawis, mahina ang immune system, may diabetes at mga atleta.

Para maiwasan ito, panatilihing tuyo ang inner thighs, magsuot ng tamang sukat at malinis na damit, gumamit ng sariling towel, at magpahid ng antifungal medications. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author