Tiniyak ng Department of Agriculture sa publiko na mayroong sapat na abot-kayang supply ng bigas sa mga palengke sa harap ng papatapos nang pag-a-ani.
Sinabi ni DA Assistant Secretary at Spokesman Arnel De Mesa na 90% na ng palay sa buong bansa ang naani, at binili sa halagang P22 kada kilo.
Ang average retail price ng regular-milled rice ay P42.80 per kilo habang ang well-milled ay P45 per kilo.
Para sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre, inihayag ni De Mesa na kabuuang 3.063 million metric tons ng bigas ang inaasahan ng ahensya.
Idinagdag ng DA official na batay sa datos at impormasyon mula sa Philippine Rice Information System, maganda ang ani ngayong taon ng mga Pilipinong magsasaka. —sa panulat ni Lea Soriano