dzme1530.ph

Andrea Brillantes, walang nakikitang masama kung siya ang gumawa ng first move sa lalaki

Pumalag si Andrea Brillantes sa mga komento nang sabihin niya sa kanyang “Date or Pass” vlog na nais niyang maka-date ang Gilas Pilipinas player na si Kai Sotto at baseball player na si Jakob Poturnak na anak ni Ina Raymundo.

Inihayag ng young actress na wala siyang nakikitang masama dahil date lang naman ang sinabi niya at hindi naman niya gagawing boyfriend agad ang mga nabanggit na lalaki.

Hindi nagustuhan ni Andrea ang puna sa kanya ng netizens na hanap siya ng hanap ng lalaki, magpahinga muna siya, at mayroon pang direktang tumawag sa kanya na malandi.

Nilinaw ng aktres na hindi dapat seryosohin ang kanyang vlog dahil playtime lamang aniya ito, kasabay ng pagbibigay diin na hindi siya naghahanap ng boyfriend. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author