Tinawag na fake news ni dating Communications Secretary Martin Andanar ang akusasyon na siya umano ang nasa likod ng disinformation campaign ng Tsina laban sa Pilipinas.
Sa Facebook post ni Andanar, tila may pinasasaringan ito matapos ilahad ang “A= for effort at kunwari staunch defender. C= for corned beef at purefoods pa rin ang the best para sa akin. F= for fake news. Research lang ng konti para hindi mapahiya sa dulo at mabansagang mema lang.”
Una rito, isiniwalat ni Katrina Ponce Enrile, anak ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, sa isang event ng Cagayan Economic Zone Authority na nakarating sa kanya na tinutulungan ni Andanar ang China.
Si Andanar ay kasalukuyang nasa Beijing bilang China Global Television Network news anchor, na isang State-owned at English-languange news channel.