Posibleng kapabayaan sa maintenance ang sanhi ng ammonia leak sa isang cold storage na kalauna’y nagdulot ng sunog, sa Navotas City.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection, ammonia filter ang maaring pinagmulan ng leak.
Sinabi ni Navotas Fire Marshal Jude Delos Reyes na pumalya ang filter na posibleng hindi regular na napapalitan kaya nagkaroon ng tagas.
Simula noong 2021 ay apat na insidente na ng ammonia leaks ang naitala sa navotas habang tatlong planta ang nananatiling sarado dahil sa kabiguang tumalima sa requirements ng lokal na pamahalaan at BFP. —sa panulat ni Lea Soriano