dzme1530.ph

Amerika, ipagpapatuloy ang buong suporta sa Pilipinas matapos ang matagumpay na Balikatan Exercises

Mananatili ang ugnayan ng Estados Unidos sa Pilipinas bilang isang matatag na kaalyado sa rehiyon ng Asya Pasipiko.

Ito ang binigyang diin ni United States Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson na nagsabing mananatiling “iron clad” ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa pagtatapos ng taunang BALIKATAN Exercises, sinabi ni Carlson na maraming nagbago at lalo pang tumingkad ang naging pagsasanay ng 2 bansa kasama ang mga observer mula sa Australia.

Maliban aniya sa combat at non-combat warfare, ibinahagi rin ng Amerika ang mga kakayahan nito sa Cyber at Space aspect ng pagsasanay.

Nagpasalamat si Carlson sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang pagsasanay sa pagitan ng mga tropa ng Pilipinas at Amerika.  —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author